Sisimulan na bukas, Disyembre 3 ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shot sa lahat ng fully vaccinated na essential worker at indigent population.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sisimulan ang pagbibigay ng booster shot sa mga nasa A4 at A5 category sa halip na sa Lunes, Disyembre 6 kung kailan unang itinakda ang pagbabakuna.
Aniya, ang mga makakatanggap ng booster shot ay ang mga fully vaccinated na anim na buwan na ang nakakalipas.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mamaya ay mailalabas na nila ang guidelines para sa booster shot ng mga nasa A4 at A5 category.
Kabilang sa gagamiting mga bakuna ay ang sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik, at Janssen.
Facebook Comments