Inirekomenda ng Strategic Advisory Groups of Expert (SAGE) ng World Health Organization (WHO) ang pagtuturok ng ikatlong dose sa mga senior citizen na nakatanggap ng bakuna ng Sinovac at Sinopharm.
Ayon sa grupo, ipinapakita ng mga ebidensiya ang humihinang proteksyon sa mga naturukan nito sa paglipas ng panahon.
Kung hindi naman sapat ang suplay ng dalawang brand, pwedeng ikonsidera ang ibang brand para sa ikatlong dose na mas mainam na ibigay isa o ikatlong buwan matapos mabakunahan ng ikalawang dose.
Ang mga senior citizen ay kabilang sa A-2 priority group ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra COVID-19.
Facebook Comments