Pagtuturok ng panibagong dalawang dose ng COVID-19 vaccines sa mga naturukan na ng first dose ng Sputnik V, pinag-aaralan na

Pinag-aaralan na ngayon ang posibilidad ng paggamit ng ibang brand ng COVID-19 vaccine sa mga una nang nakatanggap ng Sputnik V sa first dose.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., isa sa ikinokonsidera nila na bigyan ng complete doses o dalawang dose ng magkatulad na bakuna ang mga nakatanggap ng first dose ng Sputnik V.

Una kasi rito ay sinabi ni Galvez na maaari din na gamitin ang bakuna ng AstraZeneca lalo na kung magkakaroon ng delay sa pagdating ng Russian-made vaccine.


Facebook Comments