Pagtuturok ng Pfizer COVID-19 vaccines sa mga edad 12 hanggang 15, posibleng payagan na ng US FDA

Posibleng payagan na ng US Food and Drug Administration ang pagtuturok ng Pfizer COVID-19 vaccines sa mga nasa edad 12 hanggang 15 sa susunod na linggo.

Ito ay makaraang lumabas sa clinical trial noong Marso na ligtas, epektibo at nagpo-produce ng robust antibody response ang bakuna sa mga indibiduwal na edad 12 to 15.

Wala pa namang pahayag ukol dito ang Pfizer.


Bukod sa Pfizer, sinusuri na rin ng Moderna at Johnson & Johnson ang efficacy ng kanilang bakuna sa mga edad 12 to 18-year old.

Facebook Comments