Pagtuturok ng Sinovac sa mga bata sa bansa, naghihintay pa ng approval

Nagpapatuloy pa ang consultation na ginagawa para sa pagtuturok ng Sinovac vaccine sa pediatric vaccination sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, ang pinuno ng Vaccine Expert Panel (VEP) na on going pa ang pag-aaral ng mga pediatrician o Philippines Pediatric Society at iba pang mga professional societies hinggil sa pagbibigay ng Sinovac sa mga bata.

Ani Gloriani, sa oras na matapos ang konsultasyon ay maglalabas ang VEP ng guidelines hinggil dito.


Aniya, tulad ng dose na itinurok sa adults ay ganoon din ang dami ng dosage na ituturok sa mga batang edad 6-17 yrs old.

Kamakailan matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Agency (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinovac para magamit na ito sa pediatric vaccination.

Facebook Comments