Manila, Philippines – Pagtutuunan ng pansin ni Outgoing Supreme Court Associate Justice at Incoming Ombudsman Samuel Martires ang pagresolba sa mga kasong matagal nang nakasampa sa Ombudsman
Ayon kay Martires, iimbestigahan din niya ang tinaguriang ‘parking fees’ na kinokolekta raw ng Office of the Ombudsman para “i-freeze” o i-antala ang pagpapalabas ng mga resolusyon sa mga kasong nakasampa sa Ombudsman.
Sinabi ni Justice Martires na inatasan na niya sina overall deputy Ombudsman Arthur Carandang at Special Prosecutor Edilberto Sandoval hinggil sa nasabing mga usapin.
Magugunitang sa public interview ng judicial and bar council, kapwa nabanggit nina Atty. Edna Herrera-Batacan at special prosecutor sandoval ang parking fee sa Ombudsman.
Kinumpirma rin ni Atty. Batacan na mismong siya ay nakapagbayad din ng parking fee sa Ombudsman.
Sa Miyerkules, pormal nang manunungkulan si Martires sa kanyang pitong taong termino sa Ombudsman