PAGTUTUUNANG PANSIN | Pagpapayabong ng turismo sa Tawi-Tawi, bibigyang prayoridad ng DOT

Tawi-Tawi – Pagtutuunan ngayon ng Department of Tourism o DOT ang pagpapayabong sa mga tourist destination sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM, na sisimulan sa Tawi-Tawi.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Eden Josephine David, kaisa sila ng ARMM sa kampaniya nitong “Go South, Go Mindanao”.

Ayon kay David, mayaman ang Tawi-Tawi sa white sand beaches, palm at coconut trees at malinaw na mga karagatan. Marami aniyang itinatagong yaman ang Tawi-Tawi na hindi pa nadidiskubre ng mga turista.


Kaugnay nito, sa Hunyo, nakatakdang ilunsad ang tourism plan upang hikayatin ang mga hotel at restaurants sa lugar na makibahagi sa pagpapaunlad ng turismo sa lugar.

Facebook Comments