Niyanig ng 5.8 na magnitude na lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte bandang alas 10:48.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay nasa labin isang kilometro sa kanlurang bahagi ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Umaabot sa walong kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat ng lindol.
Naramdam ang intensity 3 sa Sinait at Vigan City, Intensity 4 naman sa Pasuquin, Ilocos Norte at Tuguegarao City at Intensity 5 sa Claveria, Cagayan.
Wala namang ulat ng damage sa naganap na lindol at inaasahan din ang mga aftershocks.
Facebook Comments