Pagveto ni Pangulong Duterte sa ilang items sa budget, legal at nakasandig sa Konstitusyon

Buo ang suporta ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa pagveto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang items sa 2019 National Budget na nagkakahalaga ng mahigit 95.3-Billion Pesos.

Ayon kay Drilon, ang aksyon ni Pangulong Duterte ay hindi bilang pagkampi lang sa Senado.

Diin ni Drilon, ang ginawa ng Pangulo ay umaayon sa mga naging pasya ng Korte Suprema at sa itinatakda ng Konstitusyon.


Sabi ni ni Drilon tama ang ginawa ni Senate President Tito Sotto III na pagtibayin lang ang bahagi ng 2019 budget na hindi naapektuhan ng realignments na ginawa matapos itong maaprubahan ng Bicameral Conference Committee at maratipikahan.

Magugunita na si Senator Drilon ang nagmungkahi ng nasabing hakbang kay S.P. Sotto kaya naiakyat sa malakanyang ang budget na kahapon nga ay nilagdaan na ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments