PAGWASAK NG MGA ILLEGAL FIRECRACKERS AT PYROTECHNIC DEVICES, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA NG PANGASINAN PPO

Matapos ang pagsalubong ng bagong ay ang pagsira at pagwasak ng mga nakalap na nakumpiskang mga illegal firecrackers at pyrotechnic devices sa buong lalawigan, na pinangunahan ng Pangasinan Police Provincial Office alinsunod sa kanilang operasyon na “Ligtas Paskuhan 2022”.
May kabuuang bilang na 4,560 piraso ng iba’t-ibang uri ng illegal firecrackers at pyrotechnic devices ang kumpiskado, ito ay ang mga lumabag sa naimplementang batas na Rule II of the revised IRR of RA 7183, An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices at ang EO 28, Series of 2017.
Kabilang sa mga nakumpiskang mga ipinagbabawal na paputok ay ang Judas Belt o Goodbye Philippines, Five Star, Atomic Triangle, Giant Bawang, Watusi, Whistle Bomb at 132 pirasong Mother Rockets o Boga.

Tiniyak naman na bago tuluyang wasakin ang mga nakumpiskang illegal firecrackers ay binuhusan muna ito ng tubig, sapat upang maging ligtas ang pagsira ng mga ito.
Dinaluhan ang ceremonial destruction ng mga kawani ng Pangasinan PPO, Firearms and Explosive Sec., RCSU1 personnel, BFP Lingayen, PMDU at iba pang kawani ng ilang PPO.
Kinilala rin ni Pangasinan PPO Provincial Director, PCol. Fanged ang mga kapulisan na tumulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa naging pagdiriwang ng holiday season sa buong lalawigan ng Pangasinan.| ifmnews
Facebook Comments