Pagwasak ng mga nasabat na iligal na droga, pangungunahan ni PBBM sa Capas, Tarlac

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagwasak sa mga nakumpiskang iligal na droga ng pamahalaan sa Capas, Tarlac.

Kabilang dito ang nasabat na ₱8.87 billion floating shabu na nadiskubre sa iba’t ibang karagatan sa Luzon.

Isasalang ito sa chemical testing bago tuluyang isalang sa incenerator para matiyak na hindi napalitan ang mga iligal na droga.

Ipinatawag din ng Pangulo ang media para maipakita sa publiko ang buong proseso at masigurong tunay na mga shabu at hindi ito napalitan ng iba pang item.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng utos ng Pangulo na muling tutukan ang street level campaign laban sa iligal na droga kasabay ng pagtugis sa malalaking sindikato at drug operations.

Facebook Comments