Pagwawakas ng political dynasty sa Pilipinas, iminungkahi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo

Nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na wakasan na ang political dynasties sa bansa.

Ayon sa obispo, walang magiging pag-unlad sa bansa kung hindi magbabago ang political dynasty dahil ginagamit rin nila mismo ang pondo ng gobyerno para sa pagtakbo ng kapwa kapamilya.

Hindi lang kasi aniya ang mga political dynasties ang may alam sa pamununo dahil hindi ito minamana kundi sa galing o abilidad ng tao.


Sa ngayon panawagan pa ni Pabillo, maging mapanuri ang mga botante sa pagpili ng susunod na lider ng bansa sa darating na 2022 election.

Facebook Comments