Pagwawala ng isang pulis sa MPD, pinaiimbestigahan na

Inatasan ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo Francisco ang kanyang mga tauhan na siyasatin ang naganap na insidente ng pamamaril sa loob ng kanyang tanggapan.

Bilang bahagi ng pinaiiral na security protocol, isinailalim sa full alert status ang punong tanggapan ng MPD.

Nitong Biyernes ng gabi, si Police Executive Master Sergeant Reynante Dipasupil ay walang habas na namaril sa loob ng MPD Headquarters kung saan isang pulis ang namatay at lubhang nasugatan ang isa pa.


Nakikiramay ang pamunuan ng MPD sa mga biktima at tinitiyak ni General Francisco ang buong tulong sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

Hinikayat din ang lahat ng station commanders na subaybayan ang kapakanan at mental health ng kanilang mga personnel, balikan ang security measures at mga panuntunan.

Maliban dito ay inatasan ni Francisco ang lahat ng station commanders na mag-tsek ng mga personnel dalawang beses sa loob ng isang araw at magtakda ng personal na pakikipag-usap o ang tinatawag na “talk to men activities” na ang layon ay matukoy ang mga problema o concern ng bawat pulis.

Facebook Comments