Asahan na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa huling linggo ng taon.
Batay sa resulta ng trading, maglalaro sa P1.40 hanggang P1.60 ang posibleng taas-presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.
P1.60 hanggang P1.80 naman sa kerosene.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang inaasahang taas-presyo sa langis ay bunsod ng pag-iwas ng mga oil company at tanker owners sa Red Sea sa gitna ng mga pag-atake ng Houthi Rebels.
Samantala, nagbabadya ring tumaas ng mahigit P3.00 kada kilo ang presyo ng LPG pagpasok ng Enero 1.
Paliwanag ng mga taga-oil industry, walang pagtaas sa contract price pero tumaas naman ang shipping cost ng imported na LPG.
Facebook Comments