Binanatan ng Malacañang si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Joma Sison matapos nitong sabihin sa anniversary message ng komunistang grupo na bumabagsak ang rehimeng Duterte.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo – nabubuhay sa maka-ilusyong mundo si Sison.
Kung meron man aniyang bumabagsak, ito ay ang kilusang rebolusyunaryo ng CPP at patunay dito ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng kanilang miyembro.
Habang patuloy sa pamamayagpag ang administrasyong Duterte at patunay naman dito ang mataas na popularidada at trust rating ng Pangulo.
Kasabay nito, muling hinamon ni Panelo ang CPP leader na umuwi sa Pilipinas at kumasa sa one-on-one talk kay Pangulong Duterte.
Hinamon din niya si Sison na kanselahin ang kanilang unilateral ceaserfire matapos mag-demand sa gobyerno ng suspensyon ng military at police operations laban sa komunistang grupo.
Katwiran ni Panelo – nilabag naman na ng CPP – NPA ang ceasefire sa unang araw pa lang ng pag-iral nito.