‘Pahalik’ sa Kapistahan ng Itim na Nazareno, kanselado na rin

53

Kanselado na rin sa Enero ng susunod na taon ang “pahalik” o paghalik sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa halip na pahalik, sinabi ni Quiapo Church Rector Monsignor Hernando “Ding” Coronel, magkakaroon na lamang ng “pagpugay” o “pagtanaw” sa imahen.


Ang imahen ng Itim na Nazareno ay idadala sa balkonahe ng simbahan na nakaharap sa Plaza Miranda dalawang linggo bago ang aktwal na kapistahan.

Nagpapasalamat naman si Coronel sa publiko sa kanilang kooperasyon.

Una nang inanusyo ng Quiapo Church na hindi na rin tuloy ang Traslacion ng Itim na Nazareno bunga ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments