Pahalik sa Poong Itim na Nazareno, isasagawa ngayong araw!

Manila, Philippines – Nakanda na ang entablado sa Quirino Grandsatand para sa isasagawang pahalik ng Itim na Nazareno na magsisimula ala-8 ng umaga ngayong araw.

Ipinuwesto na ang mga orange plastic barriers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pila ng pahalik.

Ayon kay Edward Gonzales, pinuno ng road emergency ng MMDA, pag-iisahin na lamang nila ang pila sa pahalik ngayong taon.


Nagrereklamo kasi aniya ang ilang magkakamag-anak at magkakasama noong nakaraang taon dahil hiwalay pa ang pila.

Ibig sabihin, dalawa na lang ang magiging pila sa “pahalik” ngayong taon isa para sa mga deboto, mapa-babae man o lalaki at isa para sa mga person with disability, senior citizen at buntis.

Facebook Comments