
Iginiit ng Department of Tourism (DOT) na malaki ang naiaambag ng kagawaran sa ekonomiya kahit patuloy na tinatapyasan ang kanilang pondo.
Ayon kay DOT Sec. Christina Garcia Frasco, hindi makatarungan ang naging pahayag nina Cong. Jude Acidre at Cong. Paolo Ortega dahil hindi nito pinahahalagahan ang sakripisyo ng buong kagawaran.
Aniya, halos P4-trillion ang naiambag ng DOT sa GDP ng bansa at nakapagbigay ng trabaho sa halos pitong milyong pilipino ngayong taon.
Dagdag pa ni Frasco, dapat din daw na hindi haluan ng pultika ang pagpopondo kahit pa tumiwalag na sa Majority Bloc ang kaniyang asawang si Cong. Duke Frasco.
Facebook Comments









