Pahayag ng China isang “illegal provocations” ang maritime patrol ng Pilipinas sa West Philippine Sea, taktika lang; Inihaing diplomatic protest ng bansa, hindi dapat iurong

Walang basehan upang i-atras ng Pilipinas ang inihain nitong diplomatic protest laban sa China dahil sa patuloy na pangha-harass sa mga isinasagawang regular maritime patrols ng bansa sa Philippine Exclusive Economic Zone.

Ito ang binigyan diin sa interview ng RMN Manila ni Security Analyst at International Studies Expert Prof. Rommel Banlaoi kasunod ng pahayag ng China na isang “illegal provocations” at dapat ihinto ng bansa ang maritime patrols nito sa Wesh Philippine Sea.

Ayon kay Banlaoi, malinaw na ang hakbang ng China ay isang political, legal at military offensive sa South China Sea kung saan pinapalabas nito na ang Pilipinas ang siyang nanghihimasok sa kanilang teritoryo.

Upang matigil aniya ito, ipinanukala ni Banlaoi sa pamahalaan na muling buksan ang Philippines-China Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea upang malinawan at mapag-usapan ang mga gusto ng magkabilang grupo.

Una na ring naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa mga miyembro ng China Coast Guard na nangharass at iligal na kinuha ang ilang gamit ng mga mangingisdang Pinoy.

Facebook Comments