Pahayag ng China na nataboy nila ang barko ng Pilipinas sa Scarborough Shoal, pinasinungalingan ng PCG

Pinasinungalingan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ng China Coast Guard na naitaboy umano nila ang mga barko ng Pilipinas noong February 5 kasunod ng pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagpapatrolya ng pamahalaan sa Scarborough Shoal para sa makapangsida ng maayos ang mga Pilipino sa lugar.

May katunayan din aniya sila na nananatili ang mga barko ng Pilipinas sa naturang lugar sa loob ng siyam na araw sa kabila ng mga pangha-harass ng mga barko ng China.


Dagdag pa ni Tarriela, sa kabila ng mga pinagdaanang mga panggigitgit at mapanganib na maniobra ng mga barko ng China ay matagumpay ang kanilang misyon sa Bajo de Masinloc bilang suporta sa mga mangingisdang Pinoy.

Nanindigan din ito na walang nilalabag na batas ang barko ng Pilipinas dahil lahat aniya ng aksiyon ng PCG ay naaayon sa international law, hindi tulad ng ginagawa ng China.

Facebook Comments