Muling nilinaw ng Food and Drug Administration (DFA) na hindi pa aprubado para sa mga edad 3 hanggang 17 ang paggamit ng bakuna ng Sinovac.
Ito ay matapos maglabas ng pahayag ang Chinese Embassy sa Manila kung saan nakasaad dito na inaprubahan na ang emergency use sa paggamit ng Sinovac sa nasabing edad, matapos lumabas na 98.9 porsyentong epektibo ang bakuna.
Isinagawa ang eksperimento kung saan 180 volunteers ang nakilahok na edad 3 hanggang 17.
Lumabas din na mas maganda ang resulta ng pag-aaral kumpara sa pag-aaral na ginawa sa mga edad 18 pataas.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sa China pa lamang naaprubahan ang paggamit ng Sinovac sa mga nasabing edad at wala pa ito sa Pilipinas.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng pag-aaral ng mga eksperto na ibinabatay sa mga datos.
Sa ngayon, ang bakuna pa lamang ng Pfizer ang pinapayagang iturok sa mga edad 12 pataas.