Muling nilinaw ni DND Secretary Delfin Lorenzana na hindi nila kinakampihan ang salaysay ng mga Chinese Government bagkus ay inatay rin nila ang pormal na resulta ng imbestigasyon ng PCG at MARINA upang hindi na lumala pa ang nasabing sigalot.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Secretary Lorenzana na kaya inabandona ng mga Chinese fishermen ang bangka ng Pinoy dahil sa mayroon umanong mga maliit na bangka ng mga mangingisdang Pilipino na pumapalibot sa kanilang bangka kaya napagpasyahan nalamang umano nilang tumakas na lamang para hindi kuyugin.
Paliwanag ni Lorenzana upang hindi na lumala pa ang naturang sigalot mas mainam aniy na antayin nalamang ang opisyal na pahayag ng Chinese Government bago gagawa ng kaukulang hakbang ang National Government.
Dagdag pa ni Lorenzana dapat magpasalamat tayo dahil walang namatay at mas mabuti na tulungan nalamang ang mga mangingisdang Pinoy na nawalan ng trabaho kaysa paggigiitan na sinadya at tinakbuhan ang mga Pilipinong mangingisda.
Giit pa ng DND opisyal naging maingat lamang ang Philippine Government sa kanilang mga gagawing statement upang maging maayos ang lahat ng nangyayaring sigalot sa Recto Bank sa West Philippine at huwag ng pag usapan pa kundi ipaubaya nalamang sa mataas na antas na usapin.