Pahayag ng CHR laban sa NPA, suportado ng PNP

Sinegundahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang pagkondena ng Commission on Human Rights (CHR) sa paggamit ng New People’s Army (NPA) ng mga landmine laban sa mga sundalo at sibilyan nitong nakaraang linggo sa Jipapad, Eastern Samar.

Sa pag-atake, isang sundalo ng 52nd Infantry Battalion ng Philippine Army at dalawang Citizen Active Auxillary ang nasawi.

Sinabi ni Eleazar, nakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa pahayag ng CHR na patuloy ang paglabag na ginagawa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa karapatang pantao sa pamamagitan ng paggamit ng mga landmine at pag-target sa mga sibilyan.


Aniya, hindi na idolohiya ang ipinaglalaban ng NPA dahil sa kanilang pag-target sa mga sibilyan at pangongotong sa mga negosyante.

Giit ni eleazar, walang accountability ang NPA para sa mga maling gawain ng kanilang mga miyembro katulad ng mga kriminal o teroristang grupo.

Facebook Comments