
Tinawag na propaganda stunt ng Department of National Defense (DND) ang naging pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP) kung saan inutusan umano nito ang New People’s Army (NPA) na magsagawa ng 4 na araw na ceasefire.
Ayon sa DND, ang trabaho ng militar ay hindi titigil at seasonal sa kabila nang nasabing anunsyo ng CPP.
Dagdag pa ng DND na patuloy ang suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan ngayong holiday season.
Patuloy naman ang paghimok ng DND sa mga natitira pang miyembro ng NPA na iwasan na ang karahasan at bagkus ay sumuko na.
Matatandaan na ilang taon nang di pinapansin ng pamahalaan ang deklarasyon ng cease fire ng CPP-NPA dahil hindi naman umano sumusunod ang mga nasabing rebelde.









