Pahayag ng Department of Agriculture na mas malaki ang ani ng bigas ngayong taon, kinontra ng isang farmer’s group

Kinontra ng farmer’s group ang pahayag ng Department of Agriculture na mas malaki ang ani ng bigas ngayong taon sa kabila ng matinding El Niño phenomenon.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Federation of Free Farmers National Manager Raul Montemayor na may kakulangan na sa produksyon ng bigas kahit wala pang nararanasang tagtuyot sa bansa.

Paliwanag ni Montemayor, sapat pa ang supply ng bigas dahil katatapos lang ng dry season harvest pero posibleng magkaroon ng problema sa supply nito pagpasok ng tag-ulan.


“Mid-June pa ang ulan ibig sabihin niyan, isang buwan delay ang ulan kaya imbis na mag-ani, normally end of September, uma-aani na yung iba so imbis na ganon, a-ani yan mga mid-October. Mapapahaba yung panahon natin na wala tayong ani kaya medyo mas magiging problema yung supply sa mga darating na buwan.”

Nabatid na 20.4 million metric tons na bigas ang inaasahang harvest ngayong taon na mas mataas kumpara sa 20 million metric tons lamang noong 2023.

Facebook Comments