Pahayag ng ECOP na posibleng hindi na mag-hire ng babaeng empleyado, sinopla

Manila, Philippines – Hindi naniniwala ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na mas malaking kalugihan sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang Expanded Maternity Law.

Kasunod ito ng pahayag ng ECOP na posibleng maghinay-hinay na ang mga amo sa pagkuha ng mga kababaihang manggagawa kasunod ng naisabatas na Expanded Maternity Leave.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, dapat irespeto ng ECOP ang mga nagtatrabahong mga nanay na nagsisilang ng sanggol.


Aniya, pabor pa nga sa mga kumpanya ang Expanded Maternity Leave.

Aniya, dahil dito hindi na magkaroon ng post-natal issues ang mga child bearing women workers sa sandaling sila ay bumalik nang magtrabaho matapos manganak.

Dahil dito, sa halip na mawala sa kumpanya ang mga mahuhusay at produktibong women workers, makakatulong ang maternity protection upang sila ay manatili at makapag-ambag sa paglago ng negosyo.

Facebook Comments