Pahayag ng ICC prosecutor, pinagkibit-balikat lang ng ilang Senador

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi lahat ay sang-ayon sa opinyon ng isang prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na may reasonable basis para paniwalaan na may crimes against humanity sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Para naman kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, walang halaga o bigat ang naturang pahayag ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda at maituturing lang na press release sa ngayon.

Hindi rin sigurado si Lacson kung ano talaga ang ibig sabihin ni Prosecutor Bensouda dahil base sa ICC statute, ang reasonable grounds to believe ay maituturing din na unreasonably unclear evidentiary threshold o malabo pang ebidensya.


Diin pa ni Lacson, kailangan pang patunayan ni Bensouda sa ICC na hindi gumagana ang criminal justice system sa Pilipinas o kaya ay may pagkukulang sa pag-usig sa mga alagad ng batas na nakakagawa ng krimen.

Facebook Comments