Nakukulangan at duda pa rin ang Malacañang sa bersyon ng mga mangingisdang nakaligtas sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo – hindi pa rin kasi malinaw kung sinadyang banggain ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Pinoy.
Pero paglilinaw ni Panelo – hindi naman ito nangangahulugan na mas naniniwala ang Malacañang sa bersyon ng China lalo at hindi pa tapos ang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Panelo – kailangang mag-imbestiga ang mga nakabangga.
Pwede ring maghabla sa lokal na korte sa Pilipinas base sa sariling imbestigasyon.
Giit naman ni Senator Panfilo Lacson – maaaring paganahin ng gobyerno ng Pilipinas ang probisyon sa Mutual Defense Treaty (MDT) nito sa Estados Unidos na nagsasabing aakto ang dalawang bansa kapag nagkaroon ng armadong atake sa isa sa kanila.
Para kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr., tinawag niyang ‘felony’ o malalang krimen ang pag-abandona sa mga taong nangangailangan ng tulong sa karagatan.
Malinaw aniya sa United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS.