Cauayan City, Isabela- Mariing itinanggi ng PNP Tumauini, Isabela ang akusasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o Peasant Movement of the Philippines.
Base sa social media post ng KMP, pinipigilan ng kapulisan sa Checkpoint ang mga magsasaka na nais magtungo sa bukid upang maki-ani maging ang mga residente na nagbebenta ng gulay.
Hindi rin umano pinapayagan ng PNP Tumauini ang mga gustong magtungo sa ilog na kukuha ng makakain.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Gatan, lahat ng mga pahayag ng KMP ay pawang walang katotohanan sapagkat pinapayagan aniya nila ang mga ito na makalabas ng bahay dahil pasok ang mga ito sa kanilang sinusunod na guidelines.
Iginiit nito na mayroon silang sinusunod na iniimplimenta sa pagpapatupad ng Enhanced Community Qauarantine sa kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito, hiniling nito sa kanyang nasasakupan na makiisa sa Enhanced Community Quarantine upang hindi na madagdagan ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.