Pahayag ng Maute Terror Group na hawak pa rin nilang ang buong Marawi, tinawag na propaganda ng militar

Marawi City – Isa lamang propaganda para sa Armed Forces of the Philippines ang naging pahayag ng Maute Terror Group na hawak pa rin nila ang buong Marawi City.

Ayon kay Lt. Col. Emmanuel Garcia ng Joint Task Force Marawi, hindi na dapat pinapansin pa ng publiko maging ng media ang mga ganitong pahayag ng local terrorist group na Maute.

Posibleng naghahanap lamang daw ng dagdag na suporta ang Maute Terror Group sa ibang teroristang grupo.


Maging ang paghahanap ng foreign funding at pagkilala sa kanilang grupo ay posibleng dahilan din ng teroristang grupo sa pahayag nilang ito.

Sa ngayon aniya tuloy-tuloy ang kanilang combat operation at clearing operation na ginagawa sa Marawi City upang sa lalong madaling panahon ay matapos na giyera sa Marawi City.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments