Naniniwala si Vice President Leni Robredo na tama ang 2016 survey results kung saan lumalabas na mayroong 1.8 million drug users sa bansa.
Ito ang pahayag ng Bise Presidente kasunod ng kumpirmasyon mula sa Malacañang sa report ng Dangerous Drug Board (DDB) na aabot sa 1.67 million ang Filipino drug users.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na halos magkalapit naman ang resulta ng 2016 survey sa report ng DDB.
Dapat aniya nakabase sa hard data ang mga polisiya ng gobyerno sa halip na arbitrary figures.
Nabatid noong 2019 ay tinanggap ni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), pero agad din siyang sinibak ng Pangulo pagkatapos ang tatlong linggo.