Pahayag ng Palasyo na normal lamang sa mga matatanda na magmura, pinuna ni Sec. Locsin

Tinabla ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang palagiang pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko ay normal lamang sa mga matatanda.

Sa kanyang tweet na may kasamang mura, sinabihan ni Locsin si Roque na “don’t push it.”

“What are you f****** saying, Harry, that old guys are foul-mouthed, p*****i**; I love you Harry, but don’t push it,” sabi ni Locsin.


Matatandaang tinanong si Roque kung ang walang prenong pagmumura ng Pangulo ay hindi magsilbing magandang halimbawa sa mga bata.

Iginiit ni Roque na normal lamang itong ginagawa ng mga matatanda tulad ng Pangulo at hindi na ito pwedeng baguhin.

Ani Roque, ang pagmumura ay nakatali na sa kultura ng mga Pilipino.

Facebook Comments