Pahayag ng Pangulo na lagyan ng ‘takip’ ang crater ng Bulkang Taal, joke lang – Roque

Nilinaw ng Malacañang na ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan ng takip ang crater ng nag-aalburutong Bulkang Taal ay biro lamang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, paraan ito ng ni Pangulong Duterte na gawing magaan ang mood ng mga tao kasunod ng phreatomagmatic eruption nito noong nakaraang linggo.

“The President of course was trying to lighten the mood dahil ano ba naman ‘yan, may pandemya na, meron pang pagputok ng Bulkang Taal,” sabi ni Roque.


Sinabi ni Roque na wala na silang magagawa kung mamasamain ng mga kritiko ang mga biro ni Pangulong Duterte.

“Sa mula’t mula ganyan na kayo mag-isip, ipagpatuloy n’yo na. Anyway, matatapos naman na ang termino ni Presidente. Kung liligaya po iyong mga taong ‘yan, pabayaan n’yo na sila,” anang Palace official.

Matatandaang inulan ng batikos ang Pangulo sa kanyang naging pahayag na tila insensitive lalo na sa mga Pilipinong apektado ng kalamidad.

Facebook Comments