Pahayag ng Pangulo na nag-wiretap siya ng mga narco-politicians, lilinawin pa ng palasyo sa Pangulo

Manila, Philippines – Lilinawin pa ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nito na winiretap niya ang ilang Narco-Politicians at napakinggan pa umano nito ang ilang pakikipag-usap ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangan pa nilang linawin kay Pangulong Duterte kung ano buong detalye ng kanyang binaggit sa usapin ng wiretapping.

Pero tiniyak naman ni Abella na bilang abogado ay siguradong naaayon sa batas ang mga hakbang ni Pangulong Duterte sakali ngang totoo na nag-wiretap ito.


Nabatid na kailangan pa ng court order bago mapayagan ang isang indibidwal na i-wiretap ang minamanmanang personalidad.

Facebook Comments