Pahayag ng pangulo na posibleng tatakbo bilang bise presidente ng bansa, insulto sa mga pamilyang biktima ng war on drugs

Naniniwala ang grupong Federation of Free Workers (FFW) na malaking insulto sa 30,000 pamilyang nawalan ng tatay, nanay, kapatid at mga kabataan sa kampanya ng Duterte administration sa war on drugs.

Ayon kay FFW President Atty. Sonny Matula, nagalit at nadismaya umano ang maraming labor groups sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito bilang bise presidente ng bansa gayong hindi pa umano nito nareresolba ang mga problema sa pang-aabuso sa mga manggagawa, karapatang pantao at mahinang at palpak na pagtugon sa usapin ng pandemya.

Paliwanag ni Atty. Matula, pagod na umano ang mga manggagawa sa parating pangungutya at pahayag ng pangulo na mga pagpatay at hindi umano sila alipin at utus-utusan lang ng kilabot na pinuno dahil kailangan umano nila ang respeto mula sa mataas na opisyal ng pamahalaan.


Sa panig naman ni Sentro Secretary General Josua Mata, patunay lamang umano na takot si Pangulong Duterte na mawala ang kanyang kapangyarihan kung saan naniniwala umano sila na posibleng haharapin nito ang pagkakakulong sa lahat ng kanyang mga ginawa.

Facebook Comments