Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Palasyo ng Malacañangna hindi inaakusahan ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng Commission onAppointments na tumanggap ng bribery money nang sabihin nito na nagsalita angLobby Money matapos hindi makapasa sa CA si dating Environment Secretary GinaLopez.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, angterminong lobhby na sinabi ni Pangulong Duterte ay hindi nangangahulugan nabribery at hindi aniya sinasabi ng pangulo na nabigyan ng pera ang ilangmiyembro ng CA para harangin ang kompirmasyon ni Lopez.
Sinabi ni Abella na hindi nagdududa si Pangulong Dutertesa integridad ng Senado at ng House of Representatives.
Umaasa aniya si Pangulong Duterte na kaisa ang iba pangsangay ng pamahalaan sa pangangalaga sa kalikasan at pagbibigay hustisya sa mgalumapastangan dito.
Pahayag ng Pangulo sa Lobby Money sa CA, nilinaw ng Malacañang
Facebook Comments