Pahayag ng Pangulo sa pagkapanalo ng bansa sa arbitral ruling sa West Philippine Sea, dahil lamang sa sobrang ‘frustration’ ayon kay Speaker Velasco

Naniniwala si Speaker Lord Allan Velasco na ‘borne out of frustration’ o dahil sa sobrang pagkadismaya at pagkainis na maisaayos ang sitwasyon kaya nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na papel lang na pwedeng itapon sa basurahan ang arbitral ruling sa West Philippine Sea na pabor sa Pilipinas.

Ayon kay Velasco, bagama’t hindi siya makapagsasalita para kay Pangulong Duterte, pagkainis naman ang nakikita niyang dahilan kaya ganoon ang naging pahayag ng Presidente.

Aniya, posibleng nasabi ito ng Pangulo sa gitna ng pag-iisip nito nang husto na mabalanse ang diplomatic relations, national interest at economic recovery bunsod ng pandemya.


Magkagayunman, wala namang dapat ipag-alala dahil malinaw sa speech ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly na dinaluhan ng mga world leaders at heads of state na hindi isinusuko ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Velasco, ang usapin sa isyu ng teritoryo ay dapat na ipaubaya na lamang sa Ehekutibo partikular sa Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments