Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni Quiapo Church Rector Monsignor Hernando Coronel na ipagdasal ng mga deboto ng itim na Nazareno ang mga opisyal ng Pamahalaan kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kanyang mga tirada laban sa simabahang Katoliko.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagpapasalamat sila sa pahayag nito dahil ang tagumpay ni Pangulong Duterte ay tagumpay din ng sambayanang Pilipino at ng buong bansa.
Matatandaan na nagkasunod sunod ang banat ni Pangulong Duterte sa simbahan kung saan ay sinabi pa nito na hindi siya naniniwala sa Diyos ng mga katoliko at mayroon siyang sariling pinaniniwalaang Diyos na mayroong commonsense.
Huling banat ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na hindi siya bilib kay Hesus dahil hinayaan nitong maipako siya sa krus at kung totoo itong Diyos ay pinatamaan aniya nito dapat sa kidlat ang mga nagpapako sa kanya.