Pahayag ng Philippine College of Physicians na hindi ramdam ang pagluwag ng mga ospital sa bansa, pinalagan ng DOH

Pumalag ang Department of Health (DOH) sa pahayag ni Philippine College of Physicians President Dr. Maricar Limpin na hindi nila maramdamang lumuwag na ang kalagayan ng mga ospital sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may opisyal na database ang DOH na nagpapakita ng kalagayan ng lahat ng ospital sa bansa at hindi nila ito kinukuha kung saan-saan.

Aniya, hindi naman nila sinasabing lumawag na talaga ang lahat ng ospital dahil batid nilang may mga ospital na ang bumaba ang bed utilization rate pero mataas pa rin ang occupancy rate sa intensive care unit (ICU) utilization.


Batay sa DOH, 171 na health facility sa bansa ang nasa critical risk, 87 ang high risk at 109 ang moderate risk at 844 ang nasa low risk na.

Facebook Comments