Pahayag ng PSA na hindi boluntaryo ang pagkuha ng National ID, kinontra ng isang mambabatas

Sinalungat ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na boluntaryo lamang ang pagkuha ng National ID.

Nababahala ang Kongresista na malagay sa alanganin ang batas kung mismong ang PSA ay hindi nauunawaan ang implementasyon ng batas at ang itinatakda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para dito.

Paliwanag ni Barbers, isa sa mga pangunahing may akda ng Republic Act 11055 o Philippine Identification System Act, malinaw na nakasaad sa Section 9 ng batas na matatawag na mandatory o obligado ang lahat ng mga mamamayan at resident alien sa bansa na may edad na 18-anyos pataas na magparehistro para sa National ID.


Giit ng Kongresista, mawawalan ng silbi ang batas kung hindi gagawing obligado ang pagkuha ng National ID na ang pangunahing layunin ay magkaroon ng iisang ID ang mga Pilipino na gagamitin sa lahat ng mga transaksyon sa pribado at pampublikong tanggapan.

Bukod dito ay layon din nitong maalis na ang paggamit ng maraming government IDs, mapabilis ang mga transaksyon sa mga opisina at masawata ang korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments