Pahayag ng suporta ni Pangulong Duterte kay Secretary Lopez, maaring makaapekto sa CA members

Manila, Philippines – Maaring makaapekto sa boto ng mga miyembro ng Commission on Appointments o CA ang paglalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng suporta kay DENR Secretary Gina Lopez.

 

Ito ang opinion ni Senator Manny Pacquiao na siyang chairman ng CA Committee on Environment and Natural Resources.

 

Sabi ni Pacquiao, wala namang masama dito dahil natural lang na pinaninindigan ng Pangulo ang mga pinili niyang maging kabahagi ng kanyang Gabinete.

 

Sabi naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ang maaring maimpluwensyahan ng pahayag ni Pangulong Duterte ay yaong mga CA members na walang pang desisyon sa kumpirmasyon ni Secretary Lopez.

 

Pero si Senator Panfilo Ping Lacson, naniniwalang independent at hindi nadidiktahan ang Commission on Appointments kaya hindi nila bibigyang konsiderasyon ang statement ng Pangulo pabor kay Secretary Lopez.

 

Samantala, ayon naman kay Senator Tito Sotto III, siya at si Senator Gringo Honasan ay boboto pabor sa kumpirmasyon ni Lopez, gayundin si Senator Loren Legarda na tumutulong pang magkumbinse sa mga kasamahan sa CA na palusutin na si Lopez.

Facebook Comments