Tama ang tinatahak na direksyon ng pamahalaan sa giyera kontra droga.
Iginiit ito ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pahayag ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na nakakabahala na ang bilang ng mga namamatay sa drug war.
Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, iginagalang nila ang obserbasyon ni Bachelet at welcome sa kanila nai-monitor ng ibang bansa.
Pero, kanyang sinabi na kaduda-duda ang source ng UN sa bilang ng mga namatay sa mga operasyon ng mga pulis dahil hindi naman tugma ang datos ng UN sa datos na hawak ngayon ng PNP.
Sa UN, umabot na sa mahigit 27,000 ang nasawi sa drug war nitong March 2019 pero ang kumpirmadong bilang pa lang ng mga namamatay ay mahigit 5,000.
Giit ni Banac, lahat ng operasyon ng PNP ay nakabase sa standard operating procedure at may paggalang sa rule of law.