Pahayag ng UN Rapporteur na buwagin na ang NTF-ELCAC, inalmahan

Mariing tinutulan ni National Security Advisor at National Task Force to End the Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Chairman Sec. Eduardo Año, ang panawagan ni UN Special Rapporteur on Human rights Dr. Ian Fry na buwagin na ang NTF-ELCAC.

Sa isang statement, sinabi ni Año na ang panawagan ni Dr. Fry na dahil sa umano’y paglabag sa karapatang pantao ng mga environmental activists ay base sa hindi kumpletong report.

Paliwanag ni Año, binigyan si Dr. Fry ng kalayaan na mag-imbestiga sa bansa alinsunod sa kanyang mandato, pero sa hindi malamang kadahilanan ay hindi niya kumpletong ginawa ang report.


Giit ni Año, sa ngalan ng fairness at hustisya, dapat ay tinalakay ni Dr. Fry ang kanyang mga concerns sa NTF-ELCAC para lubusang maintindihan ang mandato at operasyon ng grupo.

Aniya, maituturing na incomplete ang kanyang report kung hindi napakinggan ang lahat ng panig.

Kasunod nito, inanyayahan ni Año si Dr. Fry sa isang dayalogo bago isapinal ang kanyang report na kung kanyang tatanggapin ay patunay lamang aniya na hindi siya bias sa pagganap ng kanyang mandato.

Facebook Comments