Pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang COVID-19 pandemic ay maaring batayan ng Pangulo para magdeklara ng Martial Law, tama ayon kay Defense Sec. Lorenzana

Sang-ayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na pwedeng maging batayan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa para magdeklara ng Martial Law.

Ayon kay Lorenzana, technically tama si Panelo dahil ang virus ay nagmula sa ibang bansa at kumalat o sumakop sa buong mundo.

Pero ang pangunahing isyu aniya dito ay ang kalusugan ng mga Pilipino o ang giyera laban sa nakakamatay na virus.


Paliwanag ni Lorenzana, maging ground man ito o hindi para magdeklara ng Martial Law, sa huli nasa desisyon pa rin ng Pangulo kung nais niyang ipatupad ang Batas Militar lalo na ngayong nasa health crisis ang bansa.

Facebook Comments