Pahayag ni CPP founding Chair Joma Sison na makakakuha ng followers ang Amerika sa PNP at AFP para arestuhin ang pangulo imposible ayon sa AFP

Malabong mangyari ang pahayag ni Communist Party of the Philippine New Peoples Army o CPP NPA chairman Joma Sison na makakakuha ng followers ang Amerika sa hanay ng Armed Forces Of The Philippines at Philippine National Police  para arestuhin si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato, mayroon  sariling democratic institutions ang Pilipinas kaya ang mga sinasabi ni Sison ay nasa kanyang isip lamang.

 

Imposible aniyang sumunod sa utos kung meron man ang hanay ng AFP para arestuhin ang pangulo, dahil pangulo aniya ito ng bansa at kanilang commander in chief.


 

Sa statement pa ni Joma Sison si Vice Pres Leni Robredo ang uupong pangulo kapag na naaresto na raw si Pangulong Duterte.

 

Sinabi pa ni Detotayo kaduwagan ang mga pahayag ni Sison Detoyato at hinamon itong bumalik sa Pilipinas para makita mismo ang totong nangyayari sa bansa.

Facebook Comments