Pahayag ni dating ES Medialdea na nawala si FPRRD habang nasa poder ng ICC, tinawag na iresponsable ng Palasyo

Dismayado ang Malacañang sa naging pahayag ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na nawawala umano ang dating pangulo habang nasa puder ng International Criminal Court.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, napaka-ireponsable ng pahayag ni Medialdea dahil mismong ang ICC na ang nagsabi na sumailalim lamang sa medical examination ang dating pangulo at hindi ito nawawala.

Giit pa ni Castro, wala talagang aasahang magandang komento sa kampo ng mga Duterte pero nanindigan ang opisyal na ginamit ng pamahalaan ang RA 9851 o Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity sa pag-surrender as dating Pangulong Duterte.


Marami na rin aniyang naging pahayag si Medialdea na hindi totoo tulad ng umano’y pagkidnap sa dating pangulo at ang pagkuha ng simpatiya sa publiko tungkol sa kalusugan nito.

Nagpapaawa lamang aniya sa publiko ang kampo ng dating pangulo dahil gustong sirain ang gobyerno sa mata ng publiko at sa buong mundo.

Facebook Comments