
Iginiit ng Palasyo na hindi nakakalimot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga taong malaki ang naitulong sa kaniya.
Reaksyon ito ng Palasyo sa pahayag ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na tila may alzheimer’s na si PBBM dahil hindi na daw siya kilala pagkatapos ng eleksyon.
Sinabi pa ni Singson na hindi na niya muling susuportahan ang mga Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t hindi niya alam kung nakarating na sa pangulo ang mistulang “pagtatampo” ni Singson, tiniyak nitong hindi nakakalimot ang pangulo.
Pero para kay Castro, baka hindi lang nakakapag-usap ang pangulo at ang dating gobernador.
Nanggaling rin naman aniya kay Singson na nagkaroon sila ng magandang ugnayan ni Pangulong Marcos.
Facebook Comments









