Pahayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na political harassment ang lookout bulletin, tinabla ng DOJ

Courtesy: Senate of the Philippines

Walang nakikitang rason ang Department of Justice (DOJ) para tawaging political harassment ang ginawang paglalagay kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, ito ay dahil maituturing na point of interest ang isyu at kasama si Roque sa mga iniimbestigahan ngayon.

Isa si Roque sa 12 indibidwal na nasa ILBO dahil sa kaugnayan sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na sinalakay noon sa Porac, Pampanga.


Sinabi pa ni Clavano na hindi maituturing na political harassment ang paglalagay sa ILBO dahil maraming ahensiya ang nag-iimbestiga ngayon gaya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission o PAOCC, NBI, PNP, DOJ, maging ang Senado at Kamara.

Ipinaliwanag naman ni Clavano na inilagay si Roque sa ILBO dahil ayaw lamang nilang bilang makaalis ang mga ito sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

Batay umano sa impormasyon ng DOJ, isa sa nasa listahan ang nauna nang nakalabas ng bansa noong wala pang inilalabas na ILBO kaya ito ang dahilan kung bakit nagpalabas na sila ng lookout bulletin.

Nilinaw naman ni Clavano na sa ilalim ng lookout bulletin ay hindi pipigilang bumiyahe sina Roque kundi aalertuhin lamang ang mga awtoridad dahil hindi pa ito ang Hold Departure Order.

Facebook Comments