Pahayag ni dating PRRD na “shoot them dead” sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga, tinabla ni Sen. Bato dela Rosa

Tinawanan lang ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot them dead” sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Dela Rosa, kilala naman noon pa ang dating pangulo na nakakapagsalita ng alanganin dala na rin ng frustration o galit nito sa kasalukuyang sitwasyon.

Aniya, ayaw rin niyang makadagdag pa ito sa kinakaharap niyang kaso matapos na isama siya ng International Criminal Court sa mga inireklamo ng paglabag sa karapatang pantao.


Para sa senador, kailangang daanin sa tamang proseso ang mga pulis na idinadawit sa operasyon ng iligal na droga.

Dagdag pa ni Dela Rosa, matindi ang pagbabantay ngayon ng ating mga kababayan sa usapin ng human rights.

Ang reaksyon din ng dating pangulo ay may kaugnayan sa mga pinakasuhang pulis na umano’y sangkot sa nakumpiskang 990 kilos ng shabu sa isang pulis sa Maynila noong nakaraang taon.

Facebook Comments