Pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat nang umalis ang Chinese vessels sa Julian Felipe Reef, pinalagan ng Chinese Embassy

Tinawag ng Chinese Embassy na nakakagulo ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat nang umalis ang mga Chinese vessels na nasa karagatang sakop ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ayon sa embahada ng China, mayroon silang historical claim sa Julian Felipe Reef na nasa 175 nautical miles mula sa Bataraza, Palawan.

Kasunod nito, nanawagan din ang China na huwag maglabas ng “unprofessional” na pahayag na makadadagdag lamang sa emosyon ng publiko.


Ayon pa sa China, sa loob ng maraming taon ay dito na nangingisda ang kanilang mga kababayan.

Una nang sinabi ni Lorenzana na dapat nang umalis ang natitirang 44 na Chinese vessels sa Julian Felipe Reef lalo na’t maganda naman ang panahon at wala nang dahilan pa upang manatili ang mga barko sa ating karagatan.

Facebook Comments